Ang Mga Banal ay naglalahad ng mga kuwento ng mga ordinaryong kalalakihan at kababaihan mula sa naunang mga araw ng Simbahan hanggang sa ngayon. Nagbibigay din ito ng bagong detalye at pananaw sa mga mas kilalang tao at mga pangyayari mula sa kasaysayan ng Simbahan. Ang bawat kuwento ay tutulong sa inyo na maunawaan at pahalagahan ang mga Banal na naunang nabuhay sa inyo upang maitayo ang Simbahan kung ano ito ngayon.
Ang Mga Banal ay hindi lamang tungkol sa mga hindi perpektong tao ng nakaraan na naging mas mabuti sa tulong ng Panginoon. Ito rin ay para sa di-perpektong mga tao ngayon na gusto Siyang laging alalahanin. Ito ay makatutulong sa inyo na maalaala kung gaano naging mahabagin ang Tagapagligtas sa Kanyang mga tao, kung paano Niya pinalakas ang mahihinang tao, at kung paanong ang mga Banal sa buong mundo ay nagkasama-sama upang isulong ang gawain ng Diyos.